Paano kinukuwenta ang due date?
Mga 40 linggo (280 araw) ang pagbubuntis, binibilang mula sa unang araw ng huling regla, hindi mula sa conception. Kaya sa unang dalawang linggo, hindi ka pa talaga buntis kahit kasama na ito sa bilang.
- Mula sa huling regla: magdagdag ng 280 araw. Kung mas mahaba o mas maikli sa 28 araw ang cycle mo, idagdag o ibawas ang diperensya.
- Mula sa conception: magdagdag ng 266 araw.
- Mula sa IVF transfer: magdagdag ng 261 araw para sa day-5 embryo, o 263 araw para sa day-3 embryo.
Ang tatlong trimester
| Trimester | Mga linggo |
|---|---|
| Una | Week 1 hanggang katapusan ng week 13 |
| Ikalawa | Week 14 hanggang katapusan ng week 27 |
| Ikatlo | Week 28 hanggang sa panganganak |
Halimbawa
Nagsimula ang huling regla noong 1 May 2026, 28-araw na cycle
1 May 2026 + 280 araw = 5 February 2027. Sa 4 October 2026, 22 linggo at 2 araw ka nang buntis, nasa second trimester.
Kaunti lang ang sanggol na eksaktong ipinapanganak sa due date. Karamihan ay ipinapanganak sa pagitan ng week 37 at 42. Puwedeng baguhin ng doktor mo ang petsa pagkatapos ng maagang ultrasound, na mas tumpak kaysa anumang kuwenta.
Mga madalas itanong
Gaano katumpak ang due date?
Tantiya lang ito. Karamihan ng sanggol ay ipinapanganak sa loob ng dalawang linggo bago o pagkatapos nito. Ang ultrasound sa first trimester ang nagbibigay ng pinakatumpak na petsa, kaya sundin ang petsa ng doktor mo kung iba ito.
Paano kung hindi ko alam ang petsa ng huling regla ko?
Gamitin ang petsa ng conception kung alam mo, o magpa-dating ultrasound sa doktor mo para matantiya kung ilang linggo ka nang buntis.
Bakit may Hijri na petsa ang calculator?
Maraming pamilya sa Gulf ang nagpaplano gamit ang Hijri calendar, kaya ipinapakita rin ang due date sa Umm al-Qura calendar na ginagamit sa Saudi.
Kailangan ko bang sabihan ang employer ko?
May paid maternity leave ayon sa labor laws sa Gulf: 12 linggo sa Saudi at 60 araw sa UAE. Sabihan agad ang employer mo para maplano ang leave.
Huling na-review: October 2026. Tantiya lang para sa pagpaplano ang calculator na ito at hindi kapalit ng payo ng doktor. Magpa-regular check-up sa doktor, at magpatingin agad kung may pagdurugo, matinding sakit o kung humina ang galaw ng baby.
Isinalin ang page na ito mula sa Arabic. Kung may hindi malinaw o mali, pakisabi lang sa amin.